School ID : 308139
Email Address: 308139@deped.gov.ph

News

Brigada Eskwela 2026

June 07, 2026


Ngayong araw ay matagumpay na isinagawa ng ating paaralan ang pagbubukas ng Brigada Eskwela 2026 bilang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa SY 2026–2027.

Nagsimula ang programa sa Panalangin at Pambansang Awit sa pamamagitan ng Audio-Visual Presentation (AVP). Sinundan ito ng Welcome Remarks mula kay Mrs. Shahaida Rellora, Brigada Eskwela Coordinator. Nagbigay rin ng kanilang mensahe sina Mr. Jesus Dela Cruz, Acting SPTA President; Mr. Joshua C. Angel, Faculty Vice President; at Mr. Jared Angeles, SSLG Vice President.

Inilahad naman ni Mrs. Evangeline T. Abillon, OBE Vice Chairperson, ang Statement of Purpose upang ipaliwanag ang kahalagahan at layunin ng Brigada Eskwela. Kasunod nito ang Orientation Proper na pinangunahan ni Ms. Janeal Cuya, Brigada Eskwela Focal Person, kung saan tinalakay ang mga programa at gawaing isasagawa para sa matagumpay na paghahanda ng paaralan. Nagbigay rin ng kasiyahan sa programa ang intermission number ng mga SSLG Officers.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga magulang, guro, mag-aaral, at mga kinatawan mula sa iba't ibang club at organisasyon ng paaralan. Ang sama-samang pakikilahok ng mga stakeholder ay patunay ng kanilang suporta at malasakit sa edukasyon at sa patuloy na pagpapaunlad ng paaralan.

Ang Brigada Eskwela 2026 ay nagsisilbing mahalagang hakbang upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang kapaligiran ng paaralan para sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa darating na pasukan.

Taos pusong pasasalamat para sa lahat ng naging abala at nakibahagi para sa gawaing ito.

Mabuhay ang bawat isa! 

Tara na! MagBrigada na!